Lassy, napagkamalang
2026 · Reality · Reality
Lassy, napagkamalang
Lassy, napagkamalang
2026
Reality
Na-starstruck ang Madlang People, with matching kilig screaming nang mag-perform at magpakilala ang English-Irish boyband December 10, na binuo ni Simon Cowell. Ang 'Mr. Suave' natin na si Vhongnavarro, parang gustong makisali sa grupo. Madlang People ay napa-'wow' sa pagbisita ni Emman Bacosa Pacquiao. Dahil first time niya sa studio, energy ay itiniodo! Baka may nanonood sa'yo, Emman. Shoutout mo na ''yan! Game si Emman sa sayawan. Game rin siya sa kulitan sa 'Laro Laro Pick' game arena kasama ang mga taga-San Jose Navotas. Sa boksing, dapat may ka-partner sa sparring. Nag-volunteer si Lassy, na pangarap daw 'magpasuntok’ sa rising boksingero. Samantala, hindi naman boxing kundi techniques ng proper breathing ang itinuro ni Emman kay Momi Let, na gandang-ganda at gustong makipagpalit ng mukha kay Jackie Gonzaga. Pagbilang ng tatlo, bola ay patatalbugin upang sa final game ay makarating. Sa technique niyang magaling, si Mac ang nakipagtawaran sa Pot o Li-Pot round. 'Sinuway' ni Mac ang sigaw ng kan’yang partner. Para sa kan'ya, oks na 'yung P35k Li-Pot offer. Good decision dahil kung nag-POT ay hindi niya masasagot ang P450k question! Sa ikatlong araw ng Region 9 bakbakan sa 'Tawag Ng Tanghalan,' muling napabilib ang mga hurados. Sina JM Yosures, Klarisse De Guzman at Punong Hurado Erik Santos ang kumilatis sa dalawang contenders. Dinala ni Omaira sa buwan ang mga tagapakinig, singing "Fly Me To The Moon." Sa kanyang malambing na tinig, awit ni Heriza ay para sa mga umiibig. "Ikaw Lang Ang Mamahalin" ang piyesa niya sa singing. Emosyonal si Heriza pagkatapos ng pagtatanghal. Natakot nga ba kay Lassy? Mukhang mas malakas nga ang karisma ni Lassy for today's video, kaya napagkamalang Kim, as in Kim Shoo! Ang unang kalahok na si Omaira ang itinanghal na panalo sa araw na 'to. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment